Nais ko Sana


Nais ko sanang
Muling makamtan
Aking karanasan noong kamusmusan
Walang alinlangan
Walang pangamba
Laging naniniwala't nagtitiwala

Akala ko sa aking pagtanda ay uunlad
Bakit ang buhay ko'y naging hungkag
Sana'y muling matutunan
Sigla ng kamusmusan
At ang matibay na paniniwala sa
Pagmamahal

Nais ko sanang
Muling balikan
Ang buhay kong payak ngunit puno ng galak
Kahit kung minsan
Napapaiyak
Maya-maya lang ay muling humahalakhak

Akala ko sa aking pagtanda ay uunlad
Bakit ang buhay ko'y naging hungkag
Sana'y muling matutunan
Sigla ng kamusmusan
At ang matibay na paniniwala sa
Pagmamahal

Nais ko sanang
Maulit muli
Mga sandaling ako ay nanatiling
Buong pananalig
Na nakikinig
At tumatalima sa
Bulong ng pag-ibig