Nakapagtataka


Bakit ako ang inibig mo
Langit at lupa kasi tayo
Ayaw man sa akin ng mga magulang mo
Pinaglaban mo pa rin ang pag-ibig ko

Alam kong maraming hadlang
Sa pag-ibig ko
Bakit ako pa ang siyang inibig mo

Nakapagtataka
Simple lang ako bakit ako ang minahal mo
Nakapagtataka
Bakit ako ang siyang inibig mo

Alam kung ako ang laman nang puso mo
Kaya ako ay narito tapat para sayo
Lilipas din nang panahon ng bagyo
Matatanggap na rin tayo ng mundo

Alam kung maraming hadlang
Sa pag-ibig mo
Bakit ako pa ang siyang inibig mo

Nakapagtataka
Simple lang ako bakit ako ang minahal mo
Nakapagtataka
Bakit ako ang siyang inibig mo

Nakapagtataka
Simple lang ako bakit ako ang minahal mo
Nakapagtata
Bakit ako ang siyang inibig mo

Bakit ako ang siyang inibig mo