Nakapagtataka


Walang tigil ang gulo
Sa aking pag-iisip
Mula nang tayo'y magpasyang maghiwalay
Nagpaalam pagkat hindi tayo bagay
Nakapagtataka oh
Bat nga ba ganito
Ang ating kapalaran
Di ba't ilang ulit na tayong nagpaalam
Bawat paalam ay puno nang iyakan
Nakapagtataka nakapagtataka

Di ka ba napapagod
O di kaya'y nagsasawa
Sa ating mga tampuhang
Walang hanggang katapusan

Napahid na'ng mga luha
Damdamin ng puso'y tigang
Wala nang maibubuga
Wala na 'kong maramdaman
Nung tunay tayong nagmamahalan
Ba't di tayo magkasunduan oh

Walang tigil ang ulan
At nasaan ka araw
Napano na'ng pag-ibig sa isa't isa
Wala na bang nananatiling pag-asa
Nakapagtataka saan na napunta

Hindi ka ba napapagod
O di kaya'y nagsasawa
Sa ating mga tampuhang
Walang hanggang katapusan oh

Napahid na'ng mga luha
Damdamin ng puso'y tigang
Wala nang maibubuga
Wala na 'kong maramdaman

Kung tunay tayong nagmamahalan
Ba't di tayo magkasunduan oh

Walang tigil ang ulan
At nasaan ka araw
Napano na'ng pag-ibig sa isa't isa
Wala na bang nananatiling pag-asa
Nakapagtataka saan na napunta

Hindi ka ba napapagod
O di kaya'y nagsasawa
Sa ating mga tampuhang
Walang hanggang katapusan

Napahid na'ng mga luha
Damdamin ng puso'y tigang
Wala nang maibubuga
Wala na 'kong maramdaman oh
Napahid na'ng mga luha
Damdamin ng puso'y tigang
Wala nang maibubuga
Wala na 'kong maramdaman
Kung tunay tayong nagmamahalan
Ba't di tayo magkasunduan oh nakapagtataka