Nalilimutan Na Ang Pasko


Bakit ang mga tao sa mundong ito
Di na pinapansin malapit ng pasko
Abalang abala sa trabaho
Nalilimutan na ang pasko

Sabi ng iba sa bata lang ang pasko
Maliligaya sila 'pagkat may regalo
Di lahat ng bata ay ganito
Minsan wala silang pasko

Di ba't ang pasko ay araw ng bigayan
Bakit mayro'n pa ring mga kaguluhan
Di nila alam tao ay ganyan
Nalilimutan na ang pasko

Maligaya ka
Maligaya ako
Maligaya sila
Ngunit may kulang

Kahit mga anghel sa kalangitan
Mayro'n din silang pasko sa kalawakan
Bakit nawawala sa tao ang ganito
Nalilimutan na ang pasko

Sabi ng iba sa bata ang pasko
Maliligaya sila 'pagkat may regalo
Di lahat ng bata ay ganito
Minsan wala silang pasko

Nalilimutan na may pasko
Nalilimutan na ang pasko