Ngayong Wala Ka Na
'Di ko inasahang ikaw ay lalayo sa piling ko
'Di ko inakala magbabago pala ang isip mo
'Di mo naman agad sinabi
Wala nang bisa ang mga yakap ko sa'yo
Sana'y sinabi mo
Paano ngayon
Wala ka na sa aking piling
Tuloy pa rin kang iibigin
'Di mo na ako pinapansin
Paano ngayon
Marami kang makikilala
Ako pa ba'y maaalala
Wala na bang halaga
Paano na ngayong wala ka na
Bakit ka ba lumisan
Sayang ang mga pangako mo
Paano ang pagmamahalan
At ang mga pinagsamahan
Iiwan mo iiwanan mo
Paano ngayon
Wala ka na sa aking piling
Tuloy pa rin kang iibigin
'Di mo na ako pinapansin
Paano ngayon
Marami kang makikilala
Ako pa ba'y maaalala
Wala na bang halaga
Paano na ngayon
'Di ko alam ang aking gagawin
Sabihin mo sa akin sabihin mo
Paano ngayon
Wala ka na sa aking piling
Tuloy pa rin kang iibigin
'Di mo na ako pinapansin
Paano ngayon
Marami kang makikilala
Ako pa ba'y maaalala
Wala na bang halaga
Paano na ngayon
Paano na ngayon
Paano na ngayong wala ka na