Oo Na Mahal Kita


Sino ang nagsabi sa iyo
Pano mo nalaman ang tunay na damdamin ko
Pano mo nalaman na minamahal kita
Sino ang nagsabi pwede ba sabihin mo na

Pinaka ingat-ingatan kong sana'y di mo malaman
Ngunit walang sikreto palang hindi mabubuko (mabubuko)

O oo na mahal kita pasimple ka pa alam mo na pala
O oo na mahal kita heto na inaamin ko na
Oo na mahal kita

Pakeme-keme pa naman ako
Nagkukunwari pa namang di kita gusto
Nagkukunwaring di kita napapansin
Yon pala ang puso ko'y kinikilig din

Pinaka ingat-ingatan kong sana'y di mo malaman
Ngunit walang sikreto palang hindi mabubuko (mabubuko)

O oo na mahal kita pasimple ka pa alam mo na pala
O oo na mahal kita heto na inaamin ko na
Oo na mahal kita

Oo na mahal kita
Oo na mahal kita

Sino ang nagsabi sa iyo (na minamahal kita)
Pano mo nalaman ang tunay na damdamin ko (oo na mahal kita)
Pano mo nalaman na minamahal kita (na minamahal kita)
Sino ang nagsabi pwede ba sabihin mo na (oo na mahal kita)

O oo na mahal kita pasimple ka pa alam mo na pala
O oo na mahal kita heto na inaamin ko na
O oo na mahal kita pasimple ka pa alam mo na pala
O oo na mahal kita heto na inaamin ko na
O oo na mahal kita pasimple ka pa alam mo na pala
O oo na mahal kita heto na inaamin ko na
O oo na mahal kita