Pagguhit Ng Bilog


Siyam na buwan akong naglalakbay
Pababa sa sanga ng langit
Hindi ko pa man nakikita
Dinig ko na ang pag-uukit

Nangungusap ang hintuturo
Sa sikreto ng isang bilog
Nagtatanong kung ito'y pagsuyo
O dala lang ng matinding libog

May gusto ako ayaw sa akin
Ang ayaw ko'y lapit ng lapit
May isinilang na ligawin
Ang iba'y naghahabol kapit oh

Sa buhangin paulit-ulit
Bilog na takbo ng pag-ibig
Silipin natin ang pagsungkit
Ng ilang pusong humihimig oh

May gusto ako ayaw sa akin
Ang ayaw ko'y lapit ng lapit
May isinilang na ligawin
Ang iba'y naghahabol kapit

Nangungusap ang hintuturo
Sa sikreto ng isang bilog
Nagtatanong kung ito'y pagsuyo
O dala lang ng matinding libog oh

May gusto ako ayaw sa akin
Ang ayaw ko'y lapit ng lapit
May gusto ako ayaw sa akin
Ang ayaw ko'y lapit ng lapit
May gusto ako ayaw sa akin
Ang ayaw ko'y lapit ng lapit
May gusto ako ayaw sa akin
Ang ayaw ko'y lapit ng lapit


Autor(es): CHUA CATHERINE, PICHAY NICK