Pagsusugo
Mula sa sinapupunan
Ika'y aking iningatan
Hanggang sa iyong kamusmusan
Ika'y sinusubaybayan
Ikaw ay aking hinirang
Minamahal ko nang lubusan
At ngayon ang sandali
Upang iyong ibahagi
Ang aking pag-ibig
Sa buong daigdig
Ikaw ang aking tinig
Ikaw ang aking bisig
Ikaw ay akin mula ngayon
At magpakailan man
Dalhin mo ang patnubay
Sayo ay aking ibibigay
Sundan mo ang aking yapak
Sa gitna ng mundong mapanghamak
Hindi ka pababayaan
Lagi kitang sasamahan
At ngayon ang sandali
Upang iyong ibahagi
Ang aking pag-ibig
Sa buong daigdig
Ikaw ang aking tinig
Ikaw ang aking bisig
Ikaw ay akin mula ngayon
At magpakailan man
At ngayon ang sandali
Upang iyong ibahagi
Ang aking pag-ibig
Sa buong daigdig
Ikaw ang aking tinig
Ikaw ang aking bisig
Ikaw ay akin mula ngayon
At magpakailan man
Ikaw ay akin mula ngayon
At magpakailan man