Pananabik
Ay larawan ka hirang
Ng birheng dalanginan
Sa tapat ng iyong tahanan
Ay palagi nang nagdaraan
Ang bahay ay matanaw ko lang
Ang puso ko'y masisiyahan
Ay walang katahimikan
Kung hindi ka matanaw
Kahit ang iyong durungawan
Sa araw-araw
At sa lilim ng punong mangga
Minsan kita'y nakita
Tangka ko ay halikan kita
At kandungin sa pagsinta
Ang hangarin na pigilan
Sa gandang napagmasdan
Ay larawan ka hirang
Ng birheng dalanginan
At sa lilim ng punong mangga
Minsan kita'y nakita
Tangka ko ay halikan kita
At kandungin sa pagsinta
Ang hangarin na pigilan
Sa gandang napagmasdan
Ay larawan ka hirang
Ng birheng dalanginan