Pananagutan

Walang sinoman ang nabubuhay para sa sarili lamang
Walang sinoman ang namamatay para sa sarili lamang
Tayong lahat ay may pananagutan sa isa't isa
Tayong lahat ay tinipon ng Diyos na kapiling niya

Sa ating pagmamahalan at paglilingkod sa kaninoman
Tayo'y nagdadala ng balita ng kaligtasan
Tayong lahat ay may pananagutan sa isa't isa
Tayong lahat ay tinipon ng Diyos na kapiling niya

Sabay-sabay nang nag-awitan ang mga bansa
Tayo'y tinuring ng Panginoon bilang mga anak