Papuri Sa Diyos
Papuri sa Diyos sa kaitaasan
At sa lupa'y kapayapaan
Sa mga taong kinalulugdan niya
Pinupuri ka namin
Kinarangal ka namin
Sinasamba ka namin
Ipinagbubunyi ka namin
Pinasasalamatan ka namin
Dahil sa dakila mong angking kapurihan
Panginoong Diyos hari ng langit
Diyos Amang makapangyarihan sa lahat
Panginoong Hesukristo bugtong na anak
Panginoong Diyos kordero ng Diyos anak ng ama
Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan
Maawa ka sa amin ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan
Tanggapin mo ang kahilingan
Ikaw na naluluklok sa kanan ng ama
Maawa ka sa amin
Sapagkat ikaw lamang ang banal
Ikaw lamang ang Panginoon
Ikaw lamang o Hesukristo ang kataas-taasan
Kasama ng Espiritu Santo sa kadakilaan
Ng Diyos Ama amen