Parang 'Di Ko Na Kaya
Ngayon ko lang nalaman na
Hindi pala kita noon binigyang halaga
Bakit ba nang lumisan ka
Huli na nang malaman ko
Na mahal pala kita
Nanghihinayang
Pag-ibig mo'y pinabayaan
Inaamin ko kasalanan ko
Patawarin mo na ako
Para bang hindi ko na makakaya
Para bang ako'y mababaliw na
Wala na bang pag-asa
Na makapiling kang muli sinta
Para bang hindi ko na makakaya
Para bang ako'y mababaliw na
Laging hanap hanap ka
Nasaan ka na kaya sinta oh
Hindi mo ba naalala
Pagmamahalan natin na dati'y anong saya
Ngunit ngayon tayo'y nagkalayo na
Ang tanging nasa isip ko
Sana'y magbalik ka na
Sayang na sayang
Oh bakit kita pinabayaan
Inaamin ko kasalanan ko
Patawarin mo na ako
Para bang hindi ko na makakaya
Para bang ako'y mababaliw na
Wala na bang pag-asa
Na makapiling kang muli sinta
Para bang hindi ko na makakaya
Para bang ako'y mababaliw na
Laging hanap hanap ka
Nasaan ka na kaya sinta
Pinilit kong ika'y limutin
Oh
Nasasaktan lang ang damdamin
Lahat ng gusto mo ay gagawin ko
Patawarin mo lang ako
Para bang hindi ko na makakaya
Para bang ako'y mababaliw na
Wala na bang pag-asa
Na makapiling kang muli sinta
Para bang hindi ko na makakaya
Para bang ako'y mababaliw na
Laging hanap hanap ka
Nasaan ka na kaya sinta oh
Parang di ko na kaya
Parang di ko na kaya