Patintero/Habulan/Larong Kalye

Pa-pa-pa-ra-ra-ra
Patintero (pa-pa-pa-ra-ra-ra)
Sa tapat ng bahay niyo
Tayo naglalaro
Kung saan nahahati ang daan
Ng mga linyang nagtuturo
Na kahit laro ay mayroon ding hangganan

Pa-pa-pa-ra-ra-ra
Patintero (pa-pa-pa-ra-ra-ra)
Sa ilalim ng araw tayo naglalaro
Kung saan tayo ay sinusundan
Nitong aninong magsasabi
Na bawat galaw ay may kahulugan

Nais kong mahagip
Ng damdamin na bumubulusok
Liliparin nitong natatangi nating pagsuyo
Habulin ang matulin na tibok ng ating puso
At ang maiiwang tanong nalang ay kung papano pa-pa-pa-ra-ra-ra

Tao po
Yayayain sana kitang maglaro
Kahit sandali lang
Kung gusto mo
Pwede tayong mag-piko
Pamato mo ang aking puso
At wag mong aapakan 'to

Kasi kung ika'y aking mahuli
'Di ko kagad masasabi
Kung ano ang una kong gagawin sayo
Kung ika'y maaabutan
Hinding-hindi ka bibitawan
Kasi kanina pa tayo
Naghahabulan naghahabulan
Naghahabulan naghahabulan

Halika na
Wala nang tao sa kalsada
Tayo'y maglaro na muna
Kahit sandali lang
Magtago ka
Ako na muna ang taya
Di ako titigil hangga't di kita nakikita

Kasi kung ika'y aking mahuli
'Di ko kagad masasabi
Kung ano ang una kong gagawin sayo
Kung ika'y maaabutan
Hinding-hindi ka bibitawan
Kasi kanina pa tayo
Naghahabulan naghahabulan
Naghahabulan naghahabulan
Hahahan hahahan

Pa-pa-pa-ra-ra (pa-pa-pa-ra-ra-ra)
Pa-pa-pa-ra-ra (pa-pa-pa-ra-ra-ra)
Pa-pa-pa-ra-ra

Ang iyong pag-ibig ay larong kalye (pa-pa-pa-ra-ra)

Canciones más vistas de