Payong Babae


O kaibigan ko huwag itodo nang husto
Baka ika'y mapa'no ano'ng gagawin ko (ano'ng gagawin ko)
Kung akala mo katapusan na ng mundo
Sa problema at gulo ako'y karamay mo

Marami pang lalaki sa mundo
Sa iisang barako sayang lang ang luha mo
Ayos lang sana 'to kung sila'y mga sampu
Magwala ka man nang todo ako'y kasama mo

Kaya kumare ko dahan-dahan lang sa baso
Pag-isipan mo ang sinasabi ko (pag-isipan mo ang sinasabi ko)
Payag ka bang maloko masiraan lang ng ulo
Sa isang machong guwapo na walang kwentang kuwago

Marami pang lalaki sa mundo (marami pa)
Sa iisang barako sayang lang ang luha mo (sayang lang)
Ayos lang sana 'to kung sila'y mga sampu
Magwala ka man nang todo ako'y kasama mo

Marami pang lalaki sa mundo (marami pa)
Sa iisang barako sayang lang ang luha mo
Kaya kumare ko dahan-dahan lang sa baso
Sana'y pakinggan mo ang sinasabi ko

Marami pang lalaki sa mundo
Marami pang lalaki sa mundo
Marami pang lalaki sa mundo