Princesa


Mula noong ako'y nag-umpisang maglakad
Tila may kumpas ang bawat hakbang
Natutong sumayaw sa sariling paraan
Sa bawat tugtog na alam

Hindi naman sa ako'y nagmamayabang
Kailan ma'y hindi pa natanggihan
Husay magdala tila napakagaan
Sa hangin parang lumulutang

Maraming kapareha na sa akin nagdaan
Pagkatapos ng tugtog nalilimutan
Ngunit ng makita siya sa sayawang ito
Naglambot ang tuhod at naturete na pati paa ko

Panaginip kita mahal na prinsesa
Minsan sana'y makapareha
Ibibigay ko pati puso ko
Para lamang makasama ka
Makapareha ka
Mahal na prinsesa

Dahan–dahan nilapitan ang dilag na ito
At mapormang sinayaw sa gitna
Umikot nang umikot at nakakahilo
Lahat ng tao'y tulala

Isa ang kapareha sa buong magdamag
Di ko siya mapagod at hindi matagtag
Di ko maiwanan at di rin mabitawan
Tuloy-tuloy ang kapit
Hanggang sa mauwi na sa simbahan

Panaginip kita mahal na prinsesa
Minsan sana'y makapareha
Ibibigay ko pati puso ko
Para lamang makasama ka
Makapareha ka
Mahal na prinsesa

Mula noong kami'y sa simbahan naglakad
Magkasama na sa araw at gabi
Ilang mga supling na ngayo'y nadagdag
Na sumasayaw na rin sa tabi