Puso sa Puso
Pagmamahalan puso sa puso
Pag may pag-ibig ligaya'y dulot
May kasiyahan bawat pagsuyo
May kalungkutan pag nabigo
Sakali mang bawat isa'y magkalayo
Huwag sanang sisihin ang puso
At kong sadyang magkasundo
Iya'y langit sa kapwa puso
May kasiyahan ang bawat pagsuyo
May kalungkutan pag nabigo
Kung sakali mang bawat isa'y magkalayo
Wag mo lang sanang sisihin ang puso
Sakali mang bawat isa'y magkalayo
Huwag sanang sisihin ang puso
At kong sadyang magkasundo
Iya'y langit sa kapwa puso
Iya'y langit sa kapwa puso