Hindi Ako Laruan


Hindi ako isang laruan
Na kung ayaw mo na'y iyong papalitan
Matapos angkinin pag-ibig ko't dangal
Iniwan mo akong may dusa't luhaan

Pangako mo'y walang natupad
Pagkat pag-ibig mo pala sa aki'y huwad
Bigo ang puso ko sayo'y naghahangad
O kay sakit naman sinapit niyaring palad

Hindi ako laruan na iyong iiwan
Matapos angkinin at pagsawaan
Ako'y may damdaming marunong masaktan
Tulad mo rin akong puso'y nasusugatan

Batid ng lahat na kita ay mahal
Kaya't naibigay sayo ang puso ko't dangal
Akala ko noon pag-ibig mo'y tunay
Kunwari lang pala ang iyong pagmamahal

Hindi ako laruan na iyong iiwan
Matapos angkinin at pagsawaan
Ako'y may damdaming marunong masaktan
Tulad mo rin akong puso'y nasusugatan

Hindi ako laruan na iyong iiwan
Matapos angkinin at pagsawaan
Ako'y may damdaming marunong masaktan
Tulad mo rin akong puso'y nasusugatan

Ako'y may damdaming marunong masaktan
Tulad mo rin akong puso'y nasusugatan