Hindi Maiiwanan
Di sukat akalain
Na mangyari ito
Na mayrong tututol
Sa nabuong pagsuyo
Di pa ba malaya
Ang puso kong ito
Pag-ibig na kailanmang
Pinupuna't ginugulo
Pabayaan na sana
Ang aking damdamin
Kung anong itinibok
Siyang dapat na sundin
Sa bawat ngiti ko
Mararamdaman niyo rin
Na ako'y maligaya
Sa kanyang piling
Hinding-hindi ko siya maiiwanan
Naturuan na ang puso ko ng tapat niyang pagmamahal
Sa harap ng madla sa mata ng Maykapal
Siya ang palad ko siya ang mahal
Pabayaan na sana
Ang aking damdamin
Kung anong itinibok
Siyang dapat na sundin
Sa bawat ngiti ko
Mararamdaman niyo rin
Na ako'y maligaya
Sa kanyang piling
Hinding-hindi ko siya maiiwanan
Naturuan na ang puso ko ng tapat niyang pagmamahal
Sa harap ng madla sa mata ng Maykapal
Siya ang palad ko siya ang mahal
Hinding-hindi ko siya maiiwanan
Naturuan na ang puso ko ng tapat niyang pagmamahal
Sa harap ng madla sa mata ng Maykapal
Siya ang palad ko (siya)
Oh siya ang mahal