Sa Puso Ay Ikaw Pa Rin

Mula nang lumisan puso'y di na muling nabuksan
Hanap-hanap pa rin sa bawat pag-gising ay ikaw
Kahit na malayo umaasang muling magtatagpo
Tangan ko'y larawan na tanging naiwan mo sinta

At kung hindi kita masilayan uli aking hirang
Sana'y makasama kahit na sa pangarap lang
Pagkat ikaw lamang ang siyang laging laman ng damdamin
Sana'y malaman mo sa puso ay ikaw pa rin

Hindi mo na nga ba naalala ang mga nagdaan
Di ba't sumpaan natin tayo'y di na magwawalay pa
Kahit na malayo umaasang muling magtatagpo
Tangan ko'y larawan na tanging naiwan mo sinta

At kung hindi kita masilayan uli aking hirang
Sana'y makasama kahit na sa pangarap lang
Pagkat ikaw lamang ang siyang laging laman ng damdamin
Sana'y malaman mo sa puso ay ikaw pa rin

O kung hindi kita masilayan uli aking hirang