Sa Sulyap Mo


Ang mga sulyap ko giliw
Kung iyong madarama
Ay mababatid mong tunay
Na minamahal kita

Ngunit di pansin man lamang
Ang wagas na pagsinta
Kung kaya sa pag-ibig
Ang puso ko'y nagdurusa

Ang awit kong ito
Kung iyong maririnig
Sayo'y maghahatid ng pag-ibig

Pagka't sa labi ko
Ay hindi masambit ang wagas na pagsuyo
Nagbuhat sa aking dibdib

Ako'y nangangambang
Sa iyo'y ipagtapat
Kaya sa pagsulyap ihahayag
Ang aking pag-sinta kung meron pag-asa

Sa sulyap man lang sinta
Sa akin ipadama
Sa sulyap man lang sinta
Sa akin ipadama