Sa Yakap Mo
Dati-rati ang akala ko
Hindi ako karapat-dapat sayo
Ngunit ako'y di mo hinusgahan
Di ko ito magagawang
Unawain nang lubusan
Lagi akong nangangapa
Sa pag-ibig mo'y namamangha
Iniingatan mo
Kahit ika'y iwanan ko
Hinihintay tuwina aking pagbabalik
Sa yakap mo
Paano mo akong natatanggap
Sa kabila ng buhay kong mapagpanggap
At iisa ang tanging nais mo
Magpahinga pagod kong puso sayo
Lagi akong nangangapa
Sa pag-ibig mo'y namamangha
Iniingatan mo
Kahit ika'y iwanan ko
Hinihintay tuwina aking pagbabalik
Lagi akong mamamangha
Sa pag-ibig mong kay dakila
Tanging dalangin ko
Mawalay man sa piling mo
Masumpungan daan upang makauwi
Sa yakap mo