Saan Ako Pupunta


Sa'n ka pupunta kung di ko matagpuan
Ang buhay na sinasabi mo
Kailan ko hahanapin ang liwanag na taglay
Kailangan ko itong harapin

Na ang buhay masasayang
Kundi bibigyang pansin
Tao'y nabubuhay
Anong dapat gawin

Isabay mo ako
Sa agos ng buhay
Igabay mo ako
Sa aking tagumpay

Sinong pakikinggan kung nais na malaman
Maari bang sabihin mo
Dapat lang malaman kung nais mong matutunan
Gamitin mo ang puso mo

Ipangako mo sa akin
Tayo ay magwawagi
Pag-asa sa'ting buhay
Huwag mong itatabi

Isabay mo ako
Sa agos ng buhay
Igabay mo kami
Sa aming tagumpay

Saan ako pupunta
Saan ako pupunta

Ipangako mo sa akin
Tayo ay magwawagi

Isabay mo ako
Sa agos ng buhay
Igabay mo ako
Sa aking tagumpay

Sa aking tagumpay
Sa aking tagumpay