Si Tatang


Si tatang ay beterano ng kutsero
Maghapong ang kasama ay kabayo
Pag uwi niya sa hapon gagapas ng damo
Para makain ng kaniyang kabayo

Si tatang ay de-primerang kaskasero
Kaya tuloy natatakot ang pasahero
Gusto'y laging matulin hawak ang latigo
At kaliwa't kanan ang palo sa kabayo

O tatang ko na kaskasero
Huwag paluin ng paluin ang kabayo
Pag ang kabayo'y nalito hindi na magpreno
Ang punta mo ay sementeryo

Si tatang sobra ang tigas ng ulo
Di maawat sa pagiging kaskasero
Gusto'y laging matulin ang takbo ng kabayo
Dapat sa kanya ay drayber ng bumbero

O tatang ko na kaskasero
Huwag paluin ng paluin ang kabayo
Pag ang kabayo'y nalito hindi na magpreno
Ang punta mo ay sementeryo

O tatang ko na kaskasero
Huwag paluin ng paluin ang kabayo
Pag ang kabayo'y nalito hindi na magpreno
Ang punta mo ay sementeryo