Sino


Sino ang may-akda ng buhay
Kapalarang nakalaan di mo alam
Kailan pa ang pangarap mo'y matutupad
Sa 'yong pagsisikap may pag-asa pa ba

Hiwaga ng buhay ay bakit ganyan
Ba't mayroong nabibigo't may tagumpay
Kaya ayusin mo ang buhay na handog sa 'yo
'Pagkat tanging siya lang ang may alam

Kailan pa ang pangarap mo'y matutupad
Sa 'yong pagsisikap may pag-asa pa ba

Hiwaga ng buhay ay bakit ganyan
Ba't mayroong nabibigo't may tagumpay
Kaya ayusin mo ang buhay na handog sa 'yo
'Pagkat tanging siya lang ang may alam

'Pagkat tanging siya lang ang may alam