Sinta


Sinta alam mo ba
Tanging nasa isip ko ay larawan mo
Sa sandaling nag-iisa
Ikaw ang alaala pangarap sa tuwina

Sana'y tanggapin
Ang sa iyo'y inaalay na pag-ibig
Umasa ka pangako ko
Pag-ibig ko sa iyo'y hindi magbabago

Alam mo ba wala nang hahanapin pa
Basta't kapiling ka

Sa aking himig sana'y madama ang pag-ibig
Dahil sa 'yo nagising na muli ang puso ko

Tanong bakit ba
Tunay na pag-ibig pag iyong nadama
Sakali mang magkalayo
Iwanan ka't limutin hindi magagawa

Alam mo ba wala nang hahanapin pa
Basta't kapiling ka

Sa aking himig sana'y madama ang pag-ibig
Dahil sa 'yo nagising na muli ang puso ko

Isipin mong sa aki'y walang iba kundi ikaw

Sa aking himig sana'y madama ang pag-ibig
Dahil sa 'yo nagising na muli ang puso ko

Sa aking himig sana'y madama ang pag-ibig oh
Dahil sa 'yo nagising na muli ang puso ko

Ang pag-ibig na sa puso mo'y wag ipagkait
Isipin mong sa aki'y walang iba kundi ikaw