Sumabay Ka Lang
Huwag kang mag-isip na ika'y talo
Huwag kang mag-isip na ika'y bigo
Huwag kang mag-isip na walang pag-asa
Ang buhay sadyang mahiwaga
Ang buhay minsan mapagbiro
Sisikat din ang araw sa buhay mong puno ng dilim
Umasa kang ang kapalaran mo ay bubuti rin
Huwag mong isiping ika'y talo
Huwag mong isiping ikay bigo
Ang bawat oras ay may halaga
Huwag mong sayangin ang iyong panahon sa mundo
Sisikat din ang araw sa buhay mong puno ng dilim
Umasa kang ang kapalaran mo ay bubuti rin
Huwag kang magpatalo sa hamon ng iyong tadhana
Basta't sumakay ka lang
Sumabay ka lang sa agos ng buhay
Huwag mong sayangin ang iyong panahon sa mundo
Sisikat din ang araw sa buhay mong puno ng dilim
Umasa kang ang kapalaran mo ay bubuti rin
Huwag kang magpatalo sa hamon ng iyong tadhana
Basta't sumabay ka lang
Sumabay ka lang sa agos ng buhay (sumabay sumakay ka lang sumabay sumakay sumabay)
Sa agos ng buhay (sumakay sumabay ka lang sumakay sumabay sumakay)
Sa agos ng buhay (sumabay sumakay ka lang sumabay sumakay sumabay)
Sa agos ng buhay (sumakay sumabay ka lang sumakay sumabay sumakay ka lang)