Sumasampalataya Ako
Sumasampalataya ako sa Diyos Amang makapangyarihan
Sa lahat na may gawa ng langit at lupa
Sumasampalataya ako kay Hesukristo
Iisang anak ng Diyos
Panginoon nating lahat
Nagkatawang tao siya lalang ng Espirito Santo
Ipinanganak ni Santa Mariang birhen
Pinagpakasakit ni Poncio Pilato
Pinako sa krus namatay inilibing
Nanaog sa kinaroroonan ng mga yumao
Nang may ikatlong araw
Nabuhay na magmuli umakyat sa langit
Naluluklok sa kanan ng Diyos Amang makapangyarihan sa lahat
Doon magmumula at paririto
At huhukom sa nangabubuhay at nangamatay na tao
Sumasampalataya naman ako
Sa Diyos Espirito Santo
Sa banal na simbahang katolika
Sa kasamahan ng mga banal
Sa kapatawaran ng mga kasalanan
Sa pagkabuhay na muli ng nangamatay na tao
At sa buhay na walang hanggan
Amen