Summa Cum Laude


Inspirasyon ng marami akala nila'y walang silbi
At kahit ang mata'y lirang-lira na siya ay kapuri-puri
H'wag inisin madali namang kausapin
Ang istorya nya'y masaya minsan lang ililihim
Ok na kasama maligaya na rin
Totoma ng totoma h'wag lang hubugin
T'wing s'ya'y gising mata n'ya ay nakatawa
Enkantadong lasing hinding-hindi nagdurusa

Summa Cum Laude mahiwagang lasing
Summa Cum Laude hindi mahambing

'Di n'ya kailangan ang 'yong pasensya
'Di n'ya kailangan ang 'yong pag-unawa
Ang tunay lang na artistik s'ya ang hahatulang mabagsik