Tagpuan


Kay tagal ko nang naghihintay
Isang taon at limang araw
Nagtitiis nakakainis
Inuubos lang ang panahon

Sa paghihintay sa dilim
Sa araw na walang lilim
Nag-iisang tinitiis
Ang init at ang lamig

Ayoko na umasa pa
At maghintay sa wala
Hindi na ako aasa pa
At ika'y limutin na

Kay tagal ko nang (huwag kang magbago)
Inaasam (huwag kang mainip)
Na ika'y babalik (babalik ako)
Sa tagpuan

Ayoko na umasa pa
At maghintay sa wala
Hindi na ako aasa pa
At ika'y limutin na

Sa paghihintay sa dilim
Sa araw na walang lilim
Nag-iisang tinitiis
Ang init at ang lamig

Ayoko na umasa pa
At maghintay sa wala
Hindi na ako aasa pa
At ika'y limutin na (ayoko na umasa pa at ika'y limutin na)
Sa loob ko (ayoko na umasa pa at ika'y limutin na)