Tanggapin Ninyo
Tanggapin ninyo ang aking katawan
Na ihahandog ko para sa inyong lahat
Sa ikapagpapatibay ng pagmamahal
Gawin ninyo ito sa pag-alala sa akin
Maraming salamat Panginoon sa sariling handog mo sa amin
Hindi kami karapat-dapat na magpatuloy sa iyo
Ngunit sa isang salita mo lamang
Ay gagaling na kami
Tanggapin ninyo ang kalis ng aking dugo
Na aking ibubuhos para sa inyong lahat
Sa ikapagpapatawad ng kasalanan
Gawin ninyo ito sa pag-alala sa akin
Maraming salamat Panginoon sa sariling handog mo sa amin
Hindi kami karapat-dapat na magpatuloy sa iyo
Ngunit sa isang salita mo lamang
Ay gagaling na kami