Tapayan


Mayrong isang sepulturero doon sa libingan
Lupa ay kanyang hinuhukay basta't mayrong patay
Minsan siya ay nakahukay ng lumang tapayan
At ng makita ang laman siya ay hinimatay

At nang siyay magising wala na ang tapayan
Saan na napunta ang kanyang katanungan
Sariling ulo niyay sinuntok sa panghihinayang
At dahil nga doon siya ay naging isang baliw

Bawat puntod sa may libingan ay pinagtanungan
Bawat tao na madaan ay kanyang hinaharang
Nais nitong sepulturero na siya ay tulungan
Tulong na sana ay hanapin ang lumang tapayan

At dahil sa laman ng isang lumang tapayan
Ang sepultureroy nabaliw na ng tuluyan
Tapayang ang laman kung nais nyong malaman
Huwag nyo kong tanungin pagkat hindi ko rin alam

Ano nga kaya ang nilalaman ng lumang tapayan
Kayo ba'y bitin katulad ko tayo na at magtanong sa patay