Taympers


Nasaan ang dahilan
Hindi naman 'to taguan
Bakit hindi mahanap-hanap ang sagot sa'yo
Wala namang pupuntahan 'to 'di ba
Wala namang pupuntahan

Nagmadali binilisan
Hindi naman 'to habulan
Ang nais lang ay mahawakan ko ang totoo
Wala namang pupuntahan 'to 'di ba
Wala namang pupuntahan

Kaya teka lang
Pwede bang ihinto muna natin ito
Alam naman natin kung sa'n tutungo
Ang laro na 'to
Mahirap na
Baka mahulog lang tayo

Magtitiis aasa lang sa langit-lupang pagitan
Hanggang kailan mararanasan mataya sa'yo
Wala namang pupuntahan 'to 'di ba
Wala namang pupuntahan 'to 'di ba
Wala namang pupuntahan 'to 'di ba
Wala namang pupuntahan

Kaya teka lang
Pwede bang ihinto muna natin ito
Alam naman natin kung sa'n tutungo
Ang laro na 'to
Mahirap na
Baka mahulog lang tayo

Kaya teka lang
Pwede bang ihinto muna natin ito
Alam naman natin kung sa'n tutungo
Ang laro na 'to
Mahirap na
Baka mahulog lang tayo

Lulukso sa tukso kahit na laging talo
Matitinik sa pagpilit na mapasa'yo
Kailan ba
Kailan ba mananalo sa'yo

Lulukso sa tukso kahit na laging talo
Matitinik sa pagpilit na mapasa'yo
Kailan ba
Kailan ba mananalo sa'yo

Kaya teka lang
Pwede bang ihinto muna natin ito
Alam naman natin kung sa'n tutungo
Ang laro na 'to
Mahirap na
Baka mahulog lang tayo