Tayo'y Magkaibigan
Tayo'y magmahalan aking kaibigan
Kahit iba ang wika ito'y hindi hadlang
Kung magsama-sama at magkaisa
Pag-ibig maipapakita kahit na sino ka
Ako si Inggo isang bicolano
Emma naman po ako'y taga Cebu
Itong si Don galing pa ng Mindanao
Magkakaiba ng salita ngunit magkakaibigan
Lahat ay Pilipino ikaw at ako
Muslim at Kristyano pinoy pa rin tayo
Bansang Pilipinas ito'y inang bayan
Alitan ay limutin ang Diyos ang ating sundin
Pag ang Diyos ang nasa puso
Lahat magkakasundo