Umawit At Bumilang
Tayo nang umawit isa dalawa tatlo
Apat lima anim yan ang gulang ko
Pito walo siyam
O kay sarap na bumilang
Sampung mga daliri sa 'ting mga kamay
Ipalakpak at ikaway
Labing-isa labing-dalawa
Labing-tatlo labing-apat labing-lima ha ha
Labing-anim labing-pito
Labing-walo labing-siyam at dalawampu
Awitin at matututunan mo
Awit na pabilang ay kaya mo