Walang Ganyanan


Nang makilala kita ay ubod ka nang bait
Bakit ngayon ugali mo ay nagbabago
Bakit ba ganyan ka na
Nalilito ang isip ko nilalaro mo lang yata ang puso ko

Noon tayo'y masaya pangarap ay iisa
Pakikisama mo ay okay talaga
Bakit nga ba nagkaganito
Tanong ng damdamin ko may kapalit na ba ako sa puso mo

Walang ganyanan at ako'y nasasaktan
Walang ganyanan maawa ka naman
Nais kong malaman mo na ang damdaming ito
May pag-ibig para sayo lamang
Walang ganyanan

Kung nakikita kita para akong tulala
Sumisigla ang araw ko't kumpleto na nga
Ewan ko malay ko sa bawat sulyap ko
Parang umiiwas naman ang pansin mo

Walang ganyanan at ako'y nasasaktan
Walang ganyanan makisama ka naman
Kung ako'y may pagkukulang ibig kong malaman
Aking munting hiling sana iyong dinggin
Walang ganyanan

Walang ganyanan at ako'y nasasaktan
Walang ganyanan maawa ka naman
Nais kong malaman mo na ang damdaming ito
May pag-ibig para sayo lamang
Walang ganyanan
Walang ganyanan
Walang ganyanan
Walang ganyanan
Walang ganyanan