Yakap Ng Ama


Lumapit ka kung ika'y napapagal
Sa paglalakbay na kay tagal
Ang dalahing iyong pinapasan
Ibigay sakin nang mundo mo'y gumaan
At sa bisig ko'y masusumpungan mo
Ang isang bagong lakas at isang bagong bukas

Yakap ko'y naghihintay
Sayong pagbabalik aking anak
Nais kong malaman mong
Ako'y nasasabik
Sayo anak

Ang napapagod mong puso at isip
Ihimlay mo sa aking dibdib
Sugatan ka man ika'y tatanggapin
At sa yakap ko ikaw ay gagaling
At sa bisig ko'y masusumpungan mo
Ang isang bagong lakas at isang bagong bukas

Yakap ko'y naghihintay
Sayong pagbabalik aking anak
Nais kong malaman mong
Ako'y nasasabik
Sayo anak

Yakap ko'y naghihintay
Sayong pagbabalik aking anak
Nais kong malaman mong
Ako'y nasasabik
Sayo anak