Alkohol
Di mapigil paggalaw nagwawala nagdadabog
Oi pare dahan-dahan lang muntik ka nang mahulog
May taong bumubulong meron ding sumisigaw
Meron ding nag-iingles na parang kanong hilaw
Bigla nalang natutulala umiiyak tumatawa
Meron ding nagnanakaw at nawawalan ng pera
Sumusuray pag lumakad nadadapa nauuntog
Pag dalawin ng antok kahit saan natutulog
May taong nagagalas parang luko-luko
Kung saan ka man abutin CR mo ang buong mundo
Alkohol alkohol utak mo'y buhol-buhol
Alkohol alkohol utak mo'y buhol-buhol
Alkohol alkohol alkohol
Di mapigil ang bibig pati sikreto nasasabi
Nasusuka kumakanta napa-praning sa isang tabi
Kaya ko pa kaya ko pa yan ang laging sagot niya
Nananaginip ng gising pumupungay ang mata
Konting alak nalulunod lumalakas ang loob
Umeekis gumagapang natitisod sumusubsob
Labo-labo sari-sari may naghahanap ng away
Binabangungot ng gising meron ding namamatay
Lumiliwanag dumidilim bumabait tumatapang
Umiikot ang tingin utak mo'y kinakalawang
Alkohol alkohol utak mo'y buhol-buhol
Alkohol alkohol utak mo'y buhol-buhol
Alkohol alkohol alkohol
Lumiliwag dumidilim nadadapa nauuntog
Pag dalawin ng antok kahit saan natutulog
Bukas may hangover ka paggising masakit ang ulo
Paano ba ako nakauwi shet kailangan ko ng yelo
Alkohol alkohol utak mo'y buhol-buhol
Alkohol alkohol utak mo'y buhol-buhol
Alkohol alkohol utak mo'y buhol-buhol
Alkohol alkohol utak mo'y buhol-buhol
Alkohol alkohol alkohol alkohol