Alinlangan


Giliw bakit ka alinlangan
Di ba't kita'y mahal
Luha sa mata ay pawiin
Giliw ako'y dinggin

Alisin ang alinlangan
Tunay na kita'y mahal
Ang puso ko'y iyo lamang
Aking hirang

Tunay ang aking pag-ibig
At iyo hanggang langit
Huwag ka na sanang magalit
Alinlanga'y iwaglit

Bituin kang maliwanag
Ng buhay ko at palad
Ikaw ang tanging pangarap
Maniwala ka liyag

Giliw ang nais ko sana
Lagi kang maligaya
Alisin sa alaala
Alinlangan mo sinta

Bituin kang maliwanag
Ng buhay ko at palad
Ikaw ang tanging pangarap
Maniwala ka liyag

Giliw ang nais ko sana
Lagi kang maligaya
Alisin sa alaala
Alinlangan mo sinta

Alinlangan mo sinta


Writer/s: TITO AREVALO