Andyan Ka Lang


Sa lupet ng buhay ako ay tumutulay
Nakakatakot nakakaba maraming katanungan (ah)
Masagot di masumbungan (masumbungan)
Nakakalito paano ba to kung wala ka (kung wala ka)

Andyan ka lang pala di ka nawawala
Kahit kung minsan ang akala ko'y lumisan na
Andyan ka lang pala di ka nagpabaya
Sa akin kay buti mo lagi (kay buti mo)
Andyan ka lang (andyan ka lang)

Ganun siguro ang buhay minsa'y walang kulay
Nakakainip nakakatamlay ito ang aking patunay
Ikaw ay laging karamay sa paglalakbay lagi kong kaakbay na tunay (na tunay)

Andyan ka lang pala di ka nag-iiba
Kahit kung minsan ang akala ko'y nagbago na
Andyan ka lang pala di na mag-iisa
Sa akin kay buti mo lagi
Andyan ka lang (andyan ka lang)

Andyan ka lang pala di ka nawawala
Kahit kung minsan ang akala ko'y lumisan na
Andyan ka lang pala di ka nagpabaya
Sa akin kay buti mo lagi (kay buti mo)
Andyan ka lang (andyan ka lang)
Sa akin kaibigan kang lagi
Andyan ka lang (andyan ka lang)