Ang Lahat Ay Sa Iyo
Ang lahat ay sa iyo giliw
Manalig ka sa akin
Asahan mong susundin lahat
Ang iyong nanaisin
Kahit na aking buhay
Kung iyong kailangan
Sa palad mo'y buong pusong
Ibibigay
Kung ikaw at ako giliw
Ay laging magkasama
Ang puso ko'y punong-puno
Ng ligaya
Ikaw ang tanging lunas
Ng aking mga dusa
Sapagkat ikaw ang aking
Pag-asa
Kung ikaw at ako giliw
Ay laging magkasama
Ang puso ko'y punong-puno
Ng ligaya
Ikaw ang tanging lunas
Ng aking mga dusa
Sapagkat ikaw ang aking
Pag-asa
Sapagkat ang lahat
Ay sayo sinta