Ang Pasko
Ang Pasko sa tuwing sasapit
Sa lungsod man at sa bukid
Ang mundo ay umaawit
Sa pagsilang ng Diyos ng pag-ibig
Ang diwa ng Pasko sa madla
Magbigayan tayong lagi maging dukha't mariwasa
Dahil sa ang haring dakila
Ng langit at lupa nagpakababa
Sa landas ng ating buhay
Ang Pasko ay tanging tanglaw
Sa munting sabsaban lamang
Ang haring sanggol ay isinilang
Ang Pasko ay tanging araw
Tayo'y dapat magbigayan bawat isa ay magbanal
Sa langit ay ating kakamtan
Ang kaluwalhatiang wala nang hanggan
Sa langit ay ating kakamtan
Ang kaluwalhatiang wala nang hanggan
Wala nang hanggan