Ang Pasko ko ay laging kalungkutan

Sa araw ng pasko ang lahat ay masasaya
Ang bawat tao'y nagbabatian at nagkikita
Samantalang ako'y nalulungkot at walang sigla
Pagkat kung kailan pasko'y doon naman tayo hindi magkasama
Ang pasko ko'y lagi nang may lumbay at kalungkutan
Dahil sa ikaw ay hindi makapiling hirang
Gayunpaman ako'y maghihintay
Sa isang pasko na ang kapiling ko ay ikaw

Sa isang pasko na ang kapiling ko'y ikaw