Apat Na Dalangin
Nang dahil sa aking paglingap sa iyo
Natutong umawit ako
Damhin mo ang samo ng pusong sabik
Dasal at hibik ng dibdib
Ako ay may apat na dalangin
Ang una kong dalangin sana ako'y ibigin
At irog pangalawa kong dalangin
Huwag ka sanang magtataksil
O giliw pangatlo kong dalangin
Manalig kang ako'y di magmamaliw
Ang ikaapat at wakas kong panalangin
Ikaw ay lagi nang lumigaya
Ito'y tandaan mo lamang hirang
Dalangin sa iyo ay tunay
Ito'y tandaan mo lamang hirang
Dalangin sa iyo ay tunay