Awit Ng Dakilang Jubileo

Mayroong galak kapayapaan
Ang puso ay mayroong layang
Hilumin ang sugat ng hidwaan

Mayroong biyaya at pag-asang
Alay sa bawa't kapwa
Ang mundo ay gagawing isa

O ating pasalamatan ang Ama Anak at Espiritu
Kaisa ni Maria'y aawit

Buksan ang puso at mga mata sa biyayang sa ati'y dulot niya
Kahit iba't-iba isang pamilya
Walang tanikalang magbibihag sa puso ng bawat isa
Pag-ibig at pag-asa ang madarama
Panahon ng Dakilang Saya

Manalangin tayo at magpuri
Sa Diyos na naglalang
Nagdulot ng biyaya sa mundo

Sa naliligaw gabay ang dulot
Ilaw siyang magniningning
Pag-ibig ng Diyos ang daramhin