Babalik Ka Rin

Bakit kaya naulila
Puso'y laging may dusa
Nagtatampo ang ligaya
At laging may luha ang mata

Ibon ang aking katulad
Na 'di na makalipad
Dahil sa hirap at pagod
Sa paghanap ng kanyang pugad

Kung batid mo lang (ah)
Ang tunay kong dinaramdam (dinaramdam)
Buhat nang ako ay iwan mo aking mahal
Babalik ka rin upang ako ay aliwin (babalik ka rin upang ako ay aliwin)
Sa mga tinitiis kong kalungkutan

Kung batid mo lang (ah)
Ang tunay kong dinaramdam (dinaramdam)
Buhat nang ako ay iwan mo aking mahal (oh)