Bakit pa Pasko

Ang dakilang pasko ay muling sumapit sa mundo
Kay sayang lahat at umaawit ang madlang tao

Subalit pilitin ko mang ako'y magalak
Ay hindi rin nagbabago luha'y pumapatak
Kay hirap palang mawalay sa iyong minamahal
Bakit pa pasko at bagong taon nang ako'y iwan
Kung kaya ang aking dalangin sa anak ng birheng mahal
Aguinaldo ko sa paskong ito magbalik ka