Bigo Sa Pag-Ibig


Parang kailan lang ang nakaraan
Nang ikaw ay nasa piling ko
Akala ko'y di na maglalaho
Ang nadaramang ligaya

Bakit mo ako pinaglaruan
Nagkulang ba ang pag-ibig ko
Aanhin ko pa ang buhay ko
Kung sawi rin lang sa puso

Ako'y bigo bigo sa pag-ibig
Kay hirap ng buhay ng sawi
Ako'y bigo bigo sa pag-ibig
Ngunit ikaw pa rin ang aking mamahalin

Bakit mo ako pinaglaruan
Nagkulang ba ang pag-ibig ko
Aanhin ko pa ang buhay ko
Kung sawi rin lang sa puso

Ako'y bigo bigo sa pag-ibig
Kay hirap ng buhay ng sawi
Ako'y bigo bigo sa pag-ibig
Ngunit ikaw pa rin ang aking mamahalin

Ako'y bigo bigo sa pag-ibig
Kay hirap ng buhay ng sawi