Binibining Palengke


Ang bawat araw ko sa palengke
Magtinda ng ulam na parate
Dahil sa pag-awit kong may arte
Marami saki'y bumibili
May isda may karne may sayote
May kangkong at talbos ng kamote
At ang aking tinitindang gabi
Sa dila ay hindi makati

Binibini (binibini)
Ng palengke (ng palengke)
Yan ang tawag sakin ng marami
Binibini (binibini)
Ng palengke (ng palengke)
Sa ganda sila'y dehins puwede
Kamukha ko ay si Venus
Masdan niyo ang ganda ng hubog
Kutis ng balat parang labanos
Sino man sa inyo'y talbog

Binibini (binibini)
Ng palengke (ng palengke)
Tulad ko ay perlas sa kabibe
Binibini (binibini)
Ng palengke (ng palengke)
Maluluma ang waterlily
Monalisa ang kawangis
Ang ganda ay walang kaparis
Pungay ng mata kipot ng bibig
Sino man sa inyo'y talsik

May isda may karne may sayote
May kangkong at talbos ng kamote
At ang aking tinitindang gabi
Sa dila ay hindi makati

Binibini (binibini)
Ng palengke (ng palengke)
Yan ang tawag sakin ng marami
Binibini (binibini)
Ng palengke (ng palengke)
Sa ganda sila'y dehins puwede
Kamukha ko ay si Venus
Masdan niyo ang ganda ng hubog
Kutis ng balat parang labanos
Sino man sa inyo'y talbog

Binibini (binibini)
Ng palengke (ng palengke)
Tulad ko ay perlas sa kabibe
Binibini (binibini)
Ng palengke (ng palengke)
Maluluma ang waterlily
Monalisa ang kawangis
Ang ganda ay walang kaparis
Pungay ng mata kipot ng bibig
Sino man sa inyo'y talsik

Hoy kumare ko huwag kang mainggit
Sa akin ay huwag kang mabuwisit