Buksan Ang Aming Puso


Buksan ang aming puso
Turuan mong mag-alab
Sa bawat pagkukuro
Lahat ay makayakap

Buksan ang aming isip
Sikatan ng liwanag
Nang kusang matangkilik
Tungkuling mabanaag

Buksan ang aming palad
Sarili'y maialay
Tulungan mong ihanap
Kami ng bagong malay

Buksan ang aming isip
Sikatan ng liwanag
Nang kusang matangkilik
Tungkuling mabanaag

Buksan ang aming puso
Turuan mong mag-alab
Sa bawat pagkukuro
Lahat ay makayakap