Dahan Dahan


Pwede bang maabala ka nang sandali
Sa lahat ng mga nangyayari
Di mo man pinapansin nararamdaman mo pa rin
Na may kulang at parang wala nang gana sa lahat

Lahat ng bagay bumibilis
Lahat ng tao'y nagmamadali
Litong-lito ang mundo
Pagod na pagod at nahihilo
Sa dami ng kaguluhan at kalat kaya

Dahan-dahan tayong bumitaw (dahan-dahan tayo)
Dahan-dahan tayong gumalaw (gumalaw)
Dahan-dahan tayo sa lahat (dahan-dahan tayo)
Dahan-dahan tayong mamumulat

Dami-daming pinapagawa
Dami-daming mga salita
Madaming nagmamarunong
Wala namang marunong magtanong
Binibini samahan mo na lang ako at (binibini)

Dahan-dahan tayong bumitaw (dahan-dahan tayo)
Dahan-dahan tayong gumalaw (gumalaw)
Dahan-dahan tayo sa lahat (dahan-dahan tayo)
Dahan-dahan tayong mamumulat

Dahan-dahan tayo dahan-dahan tayo dahan-dahan tayo wooh
Dahan-dahan tayo dahan-dahan tayo dahan-dahan tayo wooh

Wag kang matakot o magpadala (magpadala)
O magpasindak sa sistema (sistema)
Maniwala ka sa iyong sarili
Kailangan mong dalhin
Kailangan mong gumising

Maraming nagmamarunong
Wala namang marunong magtanong
Binibini samahan mo na lang ako at

Dahan-dahan tayong bumitaw (dahan-dahan tayo)
Dahan-dahan tayong gumalaw (gumalaw)
Dahan-dahan tayo sa lahat yeah (dahan-dahan tayo)
Dahan-dahan tayong mamumulat

Dahan-dahan tayo dahan-dahan tayo dahan-dahan tayo wooh
Dahan-dahan tayo dahan-dahan tayo dahan-dahan tayo wooh
Oh dahan-dahan tayo


Writer/s: DINO VINCENT PAUL A CONCEPCION